Ang pagtatalumpati ay sining ng pagpapahayag na tumatalakay sa isang mahalagang paksa na may layuning magbigay kaalaman, magmulat at manghikayat.
Kahalagahan
- Napagbubuti ang kakayahan sa pangangatwiran.
- Nahuhubog ang kakayahan sa pangunguna.
- Napagtitibay ang tiwala sa sarili.
- Natututo ng tamang pagharap sa madla.
- Nakabibigkis nang maayos at wastong pagsasama-sama ng mga salita.
Paraan ng Pagtatalumpati
- Talumpating Binabasa – pinag-aralang mabuti at nagsanay sa pagbigkas sa harap ng madla
- Talumpating Isinaulo – pinaghandaang mabuti at kinabisa
- Talumpating Binalangkas – binibigkas ang talumpati gamit ang patnubay ng balangkas
- Talumpating Walang Paghahanda – ibinabatay lamang ang sasabihin sa sariling kaalaman at karanasan.
Uri ng Talumpati
- Talumpating Nagbibigay-aliw– isinasagawa sa mga handaan, pagtitipon o salu-salo
- Talumpating Nagdaragdag – kaalaman – madalas isinasagawa sa mga lektyur at pag-uulat.
- Talumpating Nanghihikayat – ginagamit upang mapakilos, mag-impluwensya sa tagapikinig.
- Talumpating Nagbibigay-galang – ginagamit sa pagtanggap sa bagong kasapi o bagong dating
- Talumpating Nagbibigay-papuri – ginagamit sa pagbibigay ng pagkilala sa mga pumanaw.
Mga Dapat Bigyang- Pansin sa Pagtatalumpati
- Tindig – tumayo ng tuwid at maging palagay sa entablado
- Galaw – maging tiyak sa pagkilos
- Kumpas -nakatutulong sa pagbibigay-diin sa sinasabi. Maging maingat sa bawat pagkumpas dahil bawat kumpas ay may kahulugan.
- Tinig – tamang bigkas at pagbaba at pagtaas ng tinig